Sabado, Nobyembre 26, 2016

Tulong para sa Pagsulong

      

       Facebook o Google? Yan ang dalawa sa libo-libong sites sa internet o social media na madalas na ginagamit ng mga kabataan, sapagkat dito sila nakakakuha ng iba't-ibang impormasyon  at mga balita na kinakailangan nila. Marami pang ibang sites na maaari ring pagkuhanan ng mga impormasyon tulad na lamang ng wikipedia, twitter at iba pang websites mula sa internet. Itong mga sites na ito namatatagpuan sa internet ay nagbibigay tulong para makausap nila ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang pag gamit rin ng mga social networking sites ay nagbibigay rin ng karagdagang kaalaman sa bawat isa, sa tuwing ito ay nagagamit sa wastong pamamaraan. Nagsisilbi rin itong pahayagan ng ating mga damdamin at mga opinyon na nagpapalawak ng ating mga kamalayan at kaalaman. Isang halimbawa  nalamang nito ang mga blogs na lumilinang ng ating kakayanan  sa aspeto ng paggamit sa mga salita sa malikhaing pamamaraan.

Isa sa mga rason kung bakit pang-akademikong tulong ang social media at internet sa mga kabataan ngayon ay dahil dito nila naipapahayag ang kanilang mga saloobin patungkol sa mga bagay bagay. Madalas na ginagamit ng mga kabataan ngayon ang social media dahil, para sakanila ito ang isa sa paraan upang maipahayag ang kanilang mga nararamdaman, komento tungkol sa mga isyu, pangyayari sa kanilang buhay at iba pa. Subalit, ang mga saloobin na ito ay di lamang puro mga positibong komento, dahil maaari rin na may mga negatibong masasabi o ibang paniniwala ang bawa't indibidwal. 

       Ngayon, ang madalas na ginagamit ng mga kabataan sa internet ay ang google, na nagsisilbing search engine para makakalap ng datos o impormasyon na nais malaman ukol sa isang paksa Ang pang akademikong tulong naman na mairarapat ng social media ay ang pagbibigay daan para sa komunikasyon sa mga guro o kaklase upang matalakay o mabigyang pansin ang kinakailangan na aralin. Sa ganitong paraan, mas nagiging madali sa mga estudyante ang mga gawain lalo na pag groupworks. Ngunit, hindi sa lahat ng bagay ay nakakatulong ang social media sites at internet dahil, maaaring ang mga impormasyon na mahahanap ay hindi makatotohanan at walang sapat na pag-aaral. Kaya naman para sa iba ang paggamit ng social media at internet ay isang sagabal lamang.

Pangatlo, ang social media at internet ay tulong sa kabataan dahil maaari silang makasagap o makahanap ng mga balita o isyu na napapanahon. Isang mabisang paraan ito dahil namumulat ang kabataan sa mga isyu o balita na nakatuon sa panlipunan na kalagayan ng bansa sa pamamagitan ng pagbubulalas ng mga social media sites at internet tungkol sa paksang ito. 

 Sa makatuwid, ang social media at internet ay may importanteng gampanin at halaga sa mga kabataan, dahil dito nila naipapahayag ang kanilang mga saloobin, dito sila nakakakuha ng impormasyon para sa pag-aaral at dito sila nakakasagap ng mga balita o isyu na napapanahon.  Ang social media at internet ay tulong pang akademiko sa mga estudyante sa kadahilanan na ito ang nagiging instrumento nila upang madagdagan ng kaalaman pang akademiko man o sa realidad ng buhay. Ito ang tulong sa pag sulong ng mga estudyante; tulong sa bayan, pagsulong ng buong mundo.