Sabado, Nobyembre 26, 2016

Tulong para sa Pagsulong

      

       Facebook o Google? Yan ang dalawa sa libo-libong sites sa internet o social media na madalas na ginagamit ng mga kabataan, sapagkat dito sila nakakakuha ng iba't-ibang impormasyon  at mga balita na kinakailangan nila. Marami pang ibang sites na maaari ring pagkuhanan ng mga impormasyon tulad na lamang ng wikipedia, twitter at iba pang websites mula sa internet. Itong mga sites na ito namatatagpuan sa internet ay nagbibigay tulong para makausap nila ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang pag gamit rin ng mga social networking sites ay nagbibigay rin ng karagdagang kaalaman sa bawat isa, sa tuwing ito ay nagagamit sa wastong pamamaraan. Nagsisilbi rin itong pahayagan ng ating mga damdamin at mga opinyon na nagpapalawak ng ating mga kamalayan at kaalaman. Isang halimbawa  nalamang nito ang mga blogs na lumilinang ng ating kakayanan  sa aspeto ng paggamit sa mga salita sa malikhaing pamamaraan.

Isa sa mga rason kung bakit pang-akademikong tulong ang social media at internet sa mga kabataan ngayon ay dahil dito nila naipapahayag ang kanilang mga saloobin patungkol sa mga bagay bagay. Madalas na ginagamit ng mga kabataan ngayon ang social media dahil, para sakanila ito ang isa sa paraan upang maipahayag ang kanilang mga nararamdaman, komento tungkol sa mga isyu, pangyayari sa kanilang buhay at iba pa. Subalit, ang mga saloobin na ito ay di lamang puro mga positibong komento, dahil maaari rin na may mga negatibong masasabi o ibang paniniwala ang bawa't indibidwal. 

       Ngayon, ang madalas na ginagamit ng mga kabataan sa internet ay ang google, na nagsisilbing search engine para makakalap ng datos o impormasyon na nais malaman ukol sa isang paksa Ang pang akademikong tulong naman na mairarapat ng social media ay ang pagbibigay daan para sa komunikasyon sa mga guro o kaklase upang matalakay o mabigyang pansin ang kinakailangan na aralin. Sa ganitong paraan, mas nagiging madali sa mga estudyante ang mga gawain lalo na pag groupworks. Ngunit, hindi sa lahat ng bagay ay nakakatulong ang social media sites at internet dahil, maaaring ang mga impormasyon na mahahanap ay hindi makatotohanan at walang sapat na pag-aaral. Kaya naman para sa iba ang paggamit ng social media at internet ay isang sagabal lamang.

Pangatlo, ang social media at internet ay tulong sa kabataan dahil maaari silang makasagap o makahanap ng mga balita o isyu na napapanahon. Isang mabisang paraan ito dahil namumulat ang kabataan sa mga isyu o balita na nakatuon sa panlipunan na kalagayan ng bansa sa pamamagitan ng pagbubulalas ng mga social media sites at internet tungkol sa paksang ito. 

 Sa makatuwid, ang social media at internet ay may importanteng gampanin at halaga sa mga kabataan, dahil dito nila naipapahayag ang kanilang mga saloobin, dito sila nakakakuha ng impormasyon para sa pag-aaral at dito sila nakakasagap ng mga balita o isyu na napapanahon.  Ang social media at internet ay tulong pang akademiko sa mga estudyante sa kadahilanan na ito ang nagiging instrumento nila upang madagdagan ng kaalaman pang akademiko man o sa realidad ng buhay. Ito ang tulong sa pag sulong ng mga estudyante; tulong sa bayan, pagsulong ng buong mundo. 




26 (na) komento:

  1. Napakahusay! Ako'y lubhang sumasangayon sa iyong mga isiniwalat na saloobin. ipagpatuloy!

    TumugonBurahin
  2. Napakahusay! Ipagpatuloy mo iyan ineng

    TumugonBurahin
  3. Napakagaling ng pagkakagawa, naipahayag ng mabuti ang tulong ng social media at internet sa makabagong henerasyon.

    TumugonBurahin
  4. Maayos ang pagkakasulat at naipahayag mo ng maayos ang iyong saloobin. Mahusay!

    TumugonBurahin
  5. Maganda ang iyong pagkakalahad ng ideya. Mahusay! Tunay nga na napakalaking tulong ang social media sa acads! Maraming gamit ang social lalo na sa ating kabataan.

    Ipagpatuloy mo lang 'yan ��

    TumugonBurahin
  6. Mahusay! Naiparating nang maayos ng may akda ang kaniyan punto. Napakalaking tulong nga ng social media sa atin subalit dapat alam natin ang tamang paggamit nito.

    TumugonBurahin
  7. MAHUSAY! Di lamang iyong sinabi na ang social media ay nakakabuti sa ating kabataan, sinabi mo rin ang negatibong epekto ng social media sa atin sa pagmaling pag gamit! Mahusay!

    TumugonBurahin
  8. Ang masasabi ko lang ay mahusay ang pag kagawa nito. Totoong totoo ang mga nakalagay dito at lahat ng kabataan ay siguradong nakakarelate sa mga iyong sinabi tungkol sa social media.

    TumugonBurahin
  9. Napakagaling! Mahusay! Napakagandang pagtingin patungo sa mga social media at kung paano ito dapat gamitin sa henerasyon natin ngayon.

    TumugonBurahin
  10. Galing!! This was good range of ideas through all your knowledge of the world of social media. All of it was spot on accurate and the great thing about it, was that u assured on how our generation should use social media for properly to ofcourse avoid the dangers that was hidden in it! Well done!! MISS YOU BESH

    TumugonBurahin
  11. Tunay n napapanahon ang iyong salaysay.. isang mahusay na opinyon ng isang kabataang may malawak n pananaw.

    TumugonBurahin
  12. Magaling! Magandang pag kakagawa tungkol sa pag gamit ng social media at pati yung editor maganda! Isa kang henyo Kim! Nakakamangha!

    TumugonBurahin
  13. Napakahusay ng iyong estilo sa pagkaka konstrukt ng iyong opinyon/ideya sa naturang topic. Napatunayan mo na bukod sa iyong kagandahan, ay isa ka ding matalinong mag-aaral. Bagamat sa iyong busy na schedule ikaw ay nakagawa parin ng isang obra maestra na salaysay. Isang masibagong palakpakan. Nakakamangha kung paano mo itinuro at binigyan ng detalye ang mga importanteng bagay na naidudulot ng social media. Bukod duon, nabigyan mo ding hustisya ang importansya ang kahalgahan at advantages na ibinibigay ng makapanibagong teknolohiya na social media.

    TumugonBurahin
  14. this is amazing! you gave enough infos for this and i liked how you mentioned how social media has an important role

    TumugonBurahin
  15. Mahalaga ang pagsisiyasat ng mga paraan ng pagkuha ng impormasyon sa ating kontemporaryong panahon. Mahusay!

    TumugonBurahin
  16. Haha ang galing naman, so proud of you Kim! It's a great reflection of social media on the lives of the young, props to you naman, I miss youuu so much haha!

    TumugonBurahin
  17. Napakahusay ng pagkakagawa at konstucktura ng mga opinyon o saloobin na naipahayag tungkol sa pang-akademikong tulong ng social media at internet sa mga kabataan ngayon. Magaling!

    TumugonBurahin
  18. Napapanahon at napakaimpormatibong akda. Isiniwalat ang iba't ibang epektong naidudulot ng "social media". Sa panahon ngayon, maraming kabataan ang nahihikayat sa paggamit ng naturang aspeto ng teknolohiya. Bagamat ito'y maraming magandang naidudulot, dapat pa rin nating alalahanin na maraming impormasyon ang nagkalat sa "social media" na walang konkretong basihan. Nawa'y ang mga makababasa ng iyong akda ay maging mas maingat sa paggamit ng "social media".

    Ipagpatuloy mo ang iyong talento sa pagsulat at pamamahahi ng impormasyon. Mabuhay ka!

    TumugonBurahin
  19. Isang malinaw at napapanahong paglalahad ng mabuti at masamang epekto ng social media. Napakagaling ng iyong salaysay!

    TumugonBurahin
  20. Makahulugan at nauukol sa kaalaman lalo na ng mga kabataan sa makabagong panahon. Mahusay! Ipagpatuloy mo ang pagbabahagi ng mga ganitong paglahahad...

    TumugonBurahin
  21. Mahusay! Malinaw mong nailahad ang iyong opinyon tungkol sa mabuti at masamang epekto nang social media sa mga kabataan. Ako'y labis na humahanga sa iyong saloobin sa nasabing paksa.Ipagpatuloy!

    TumugonBurahin
  22. Ang galing galing mo dito B. I'm so proud of you. You deserve a good grade on this. ☺️

    TumugonBurahin
  23. This one is a great article on social media especially now that its a trend on teenagers like us. You did well on this Kiersten. Congrats. Hope to see you soon. ����☺️

    TumugonBurahin